NBI
National

NBI, iimbestigahan din ang pagpaslang kay Batocabe

INATASAN ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsasagawa na rin ng imbestigasyon.

Kaugnay ito sa pagpaslang kay Ako-Bicol Party-List Rep. Rodel Batocabe.

Sinabi ni Department of Justice Undersecretary Mark Perete na mismong si Justice Secretary Menardo Guevarra ang nag-utos sa NBI.

Inutos aniya na maki­pagtulungan ang NBI sa PNP.

Ayon kay Perete, posibleng may malalim na motibo ang pamamaslang sa kongresista.

Kung saan kabilang sa motibo ay ang eleksiyon.

Magsasagawa aniya ng malawakang imbestigasyon ang NBI sa crime scene sa tulong na rin ng PNP.

Magugunitang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek si Batocabe kasama ang police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Nangyari ang pamamaslang nitong Sabado sa Barangay Burgos sa Daraga, Albay.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *