HAHATAW
Sports

NBA star Dwyane Wade, hahataw sa last NBA season bago magretiro

HAHATAW at muling magpapakitang gilas ang NBA star na si Dwyane Wade sa kaniyang ika-16 at final season sa NBA.

Ito ay pagkaraang inanunsyo ng 6’3 shooting guard na si Wade ang pagbabalik nito at muling paglalaro para sa Miami Heat.

Matatandaang, lumabas na ang mga bali-balitang pagreretiro ni Wade nitong mga nakaraang buwan.

Ngunit tinuldukan na ito mismo ng 36 anyos na manlalaro, sa naging post nito sa kaniyang official Twitter account.

Ani Wade, samahan siya sa kaniyang “One last dance” na may litrato nitong nakasuot ng Miami Heat jersy.

Mapapanuod naman ang kabuuang video ng kaniyang kumpirmasyon sa kaniyang official YouTube account.

Aasahan naman ang paglagda ni NBA star Dwyane Wade ng contract deal sa Miami Heat na nagkakahalaga ng $2.4 million ngayong linggo.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *