Posibleng magamit
National

National ID System, posibleng magamit sa susunod na taon

Posibleng magamit na ang bagong Identification System sa 2019 o 2020.

Ito ang inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa isang press conference sa Pasig City kung saan may nakalaan na aniyang dalawang bilyong pisong badyet para sa implementasyon ng National Id ngayong taon.

Gayunman, nakahandang paglalaanan ng pamahalaan ng pondo ang ID System para sa susunod na taon kung kinakailangan.

Dagdag pa ng budget secretary, sinusundan ng pamahalaan ang Indian model ng National ID.

Tinitingnan na rin ng Philippine government kung paano nasaklaw ng bansang India ang mahigit isang bilyong mamamayan nito sa kanilang National ID System sa loob ng tatlong taon.

Naniniwala naman si Diokno na tatagal lamang ng isang taon bago masaklaw ang lahat ng Pinoy para sa National ID gayong mayroon lamang mahigit isang daang milyong mamamayan ang Pilipinas kumpara sa bilyong katao sa India.

Kasunod nito, nagpadala na ng team ang pamahalaan sa India para malaman ang halaga na magagastos ng gobyerno para sa National ID.

Sa ilalim ng sistema, nilinaw ni Diokno na hindi nire-require ang physical ID, ang importante aniya rito ay kabisado lamang ang Id number ng indibidwal.

“So even if you lost your Id, as long as you remember your Id number or you write it somewhere else, that’s okay.” – Sec. Ben Diokno, Department of Budget and Management

Sinabi pa ni diokno na unang prayoridad muna para sa national ID ay ang nasa edad labing walong taong gulang pataas hanggang sa masaklaw na ang lahat ng mga Pilipino.

Cresilyn Catarong

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *