National

Nasawing utility worker ng PNP sa Dengvaxia vaccine, biniberipika na ng PNP

Bineberipika pa ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP ang ulat na may namatay na utility worker ng PNP General Hospital matapos mabakunahan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. John Bulalacao, nakipag-uganayan na sila sa PNP health service para maimbestigahan ang naturang ulat.

Tiniyak ni Bulalacao na kanilang isasapubliko sakaling totoong may nasawi na kanilang tauhan.

Una nang ipinag-utos ni PNP chief Ronald dela Rosa sa health service na i-monitor ang mga police personnel at mga civilian employees na naturukan ng dengue vaccine.

Inamin din ni dela Rosa na naging sakitin na ang kanyang kapatid na babae na kabilang sa naturukan ng Dengvaxia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *