National

Napoles kokontrahin ang naging testimonya sa PDAF scam


Magiging taliwas sa mga pahayag ni Janet Lim-Napoles nang humarap ito sa Senado kung magiging state witness ito sa pork barrel fund scam.
Ayon kay San Beda graduate School of Law Dean Fr. Ranhilio Aquino, magiging kontradiksiyon ito sa pagtangging ginawa ni Napoles nang humarap ito sa Senado.
Dagdag pa ni Aquino, wala namang suhestiyon ang Ombudsman na kailangang maging state witness si Napoles.
Hindi rin aniya makaliligtas sa kasong perjury at wrongful testimony si Napoles kahit pa maging state witness ito.
Inihihirit ng kampo ni Napoles na maging state witness ito pagkatapos maabsuwelto sa kasong illegal detention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *