Nanalong mga alkalde
Metro

Nanalong mga alkalde sa Caloocan at Paranaque City, naiproklama na

NAIPROKLAMA na rin ang nanalong mga alkalde sa lungsod ng Caloocan at Paranaque.

Sa Caloocan, muling nanalo si incumbent Mayor Oca Malapitan matapos talunin ang apat nitong katunggali kung saan ito na ang ikatlo at huling termino nito bilang alkalde ng lungsod.

Nakakuha si Oca ng 430, 137 votes o mahigit 100 percent ng kabuuang bilang ng boto.

Habang patuloy naman na manunungkulan bilang alkalde ng Parañaque City si Edwin Olivarez matapos siyang maiproklama ng City Board of Canvassers.

Tinalo nito sa posisyon ang dating alkalde rin ng siyudad na si Florencio Bernabe Jr. matapos makakuha si Olivarez ng 169,224 na boto.

Panalo rin ang running mate ni Olivarez na si incumbent Vice Mayor Rico Golez na nakakuha ng 141,433 na boto.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *