bagyo
National

Namataang LPA sa labas ng PAR, ganap nang naging bagyo

Ganap nang naging bagyo ang sama ng panahon na namataan sa hilagang bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang bagyo 1,515 km silangan na dulong bahagi ng hilagang Luzon.

Hindi naman isinasantabi ang posibilidad na pumasok ang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Taglay ng bagyo ang lakas na aabot sa 65 km bawat oras malapit sa gitna.

Kumikilos ito sa direksyon na pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km kada oras.

Sakaling pumasok sa bansa tatawagin itong Bagyong Karding.

Inaasahan na palalakasin ng namataang bagyo sa labas ng PAR ang umiiral na habagat sa bansa.

Magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa Gitnang Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at Western Visayas.

Maulap na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms ang mararanasan ang lugar sa Cagayan Valley, Bicol Region, at Eastern Visayas dulot pa rin ng habagat.

Ilang lugar sa Central Luzon at Ilocos Region, nagsuspinde ng klase

Suspendido ang klase ng ilang lugar sa Gitnang Luzon at Ilocos Region ngayong araw, Miyerkules, Hulyo 25, dahil sa tuloy-tuloy na mga pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat.

 Mga lugar na nagdeklara na walang pasok ngayong araw, July 25, 2018, dahil sa masamang panahon

Sa Central Luzon, walang pasok sa lahat ng antas sa:

  • Calumpit, Bulacan
  • Masantol, Pampanga
  • La Paz, Tarlac
  • Olongapo City

Habang mula preschool hanggang senior high school naman ang walang pasok sa Abucay, Bataan.

Sa Ilocos Region, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa lalawigan ng Pangasinan:

  • Aguilar
  • Basista
  • Binmaley
  • Bugallon
  • Calasiao
  • Dagupan City
  • Lingayen
  • Malasiqui
  • Mangatarem
  • San Carlos
  • Sual
  • Urbiztondo

Samantala ang Ramon Magsaysay Integrated School at Bongalon Elementary school ang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa bayan ng Labrador sa Pangasinan.

 SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *