Uncategorized

“Nakaw load” na reklamo ng mga consumer, iimbestigahan ng senado

Nakatakdang imbestigahan ng senado ang pagkawala ng prepaid mobile load o mas kilala bilang “nakaw load” na kadalasang reklamo ng mga konsyumer.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 595 na inihain ni Aquino, nais ng senador na tukuyin ng Committee on Science and Technology ang kapasidad at kahandaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagpapatupad ng mga panuntunan para maprotektahan ang nasa 130-milyon na mga prepaid mobile subscribers.

Sinabi ni Aquino, chairman ng Committee on Science and Technology, na ang DICT ang may mandato na bantayan ang mga ahensya ng pamahalaan na namamahala sa sektor ng ICT para proteksyunan ang kapakanan ng mga konsyumer.

Iimbitahan sa pagdinig ang mga kinatawan ng mga konsyumer, DICT, Department of Trade and Industry (DTI), National Telecommunications Commission (NTC) at mga telecommunication companies gaya ng smart, globe at PLDT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *