Regional

Nakakulong na mga Maute members sa Davao, tangkang ililigtas

Mas hinigpitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagbabantay sa Maa, Davao City Jail matapos ang bantang pagligtas ng isa sa mga high value prisoners.
Ayon kay Police Chief Inspector Tiu Rowero ng BJMP Davao, pinahihigpitan din nila ang pagbabantay sa mga perimeter defense ng kulungan.
Ito’y dahil marami ang high value prisoners sa kanilang kulungan.
Lima rito ay mga miyembro ng Maute terror group members, tatlo ang Abu Sayyaf Members, 18 ang nahaharap sa heinous crimes, siyam ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at dalawa ang mga political prisoners.
Umabot 3,351 na bilanggo ang nakakulong sa loob ng city jail.
Dahil sa mga banta, pinagsikapan ngayon na mailipat ang mga suspek sa Roxas night market bombing sa Taguig City Jail.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *