E-Gate
Metro

NAIA E-Gates, tulong sa seguridad ng bansa

Opisyal ng binuksan ang dalawang makabagong Electronic Gates o E-Gate.

Layon nitong mapabuti ang proseso sa local at international na mga pasahero na pumapasok at lumalabas ng bansa mula sa iba’t ibang pangunahing paliparan sa Pilipinas.

Katuwang sa pagpapasinaya ang Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa pamamagitan nito ay tiyak na mapipigilan agad ng mga otoridad ang mga banta sa seguridad.

Mababantayan rin ang seguridad ng paliparan at ang usapin ng human trafficking

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), inaasahang mas magiging mabilis ang boarder clearing system at maiiwasan na ang human error, partikular na sa passenger verifications.

Ayon sa ahensya, mula sa 45 seconds passport verification process, maibababa ito sa 8-15 seconds per passenger.

 Sa ngayon ay nasa experimental stage pa lang ang nasabing proyekto.

Nakatakda ring maglagay ang Bureau of Immigration  ng 21 E-Gates sa mga paliparan sa bansa.

Kabilang rito ang NAIA terminal 1 & 3, Clark International Airport at Mactan International Airport.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *