National

“NAGTIWALA KASI AKO SA INYO” : Ina nang nabakunahan ng dengue vaccine, dismayado sa DOH

DISMAYADO ang ina ng isa sa nabakunahan ng dengue vaccine sa mga dating opisyal ng Department of Health (DOH) na responsable sa pagbili ng Dengvaxia.
 
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senado sa kontrobersyal na dengue vaccine, tinanong ni Iris Alpay ang mga taong nasa likod ng Dengue Vaccination Program kung nakakatulog pa sila ng mahimbing.
 
Sinabi ni Alpay na ang kanyang anak ay isa sa 830,000 na bata na nabakunahan ng dengue vaccine.
 
Dagdag nito na nagtiwala siya sa pamahalaan lalo na sa DOH dahil batid niya na para ito sa kapakanan at para sa kalusugan ng mga mamamayan.
 
Gayunman, dismayado ito dahil mismong ang ahensya ng gobyerno ang nagpapahamak sa kanilang mga anak.
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *