Talamak
Regional

Naga City, talamak ang droga  ayon sa dating konsehal

Talamak ang iligal na droga sa Naga City.

Ito ang ibinunyag ni dating konsehal Luis Ortega kasunod ng pahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “hotbed” ng shabu ang Naga City.

Inakusahan ni Ortega si Butch Robredo, bayaw ni VP Leni Robredo, na responsable umano sa pagpapakalat ng iligal na droga sa 13 barangay sa kanilang lugar.

Si Butch ay kasalukuyang nagtatago sa Amerika.

Ayon kay Ortega, alam umano ng bise presidente at ni Naga City Mayor John Bongat ang iligal na aktibidad sa lungsod.

Sinabi ni Ortega na sapat ang kanyang dokumento at nakahanda aniya itong ilabas sa tamang lugar at panahon.

Hindi naman nababahala ang kampo ni VP Robredo sa naturang mga patutsada at ayaw na nila itong patulan pa.

“Inilalabas ng mga tao na kalaban niya sa pulitika, na walang kahit anong katiting na ebidensya na naipakita sa ganyang mga akusasyon.

 So hindi ito bago, hindi kami nababahala dito,ayaw na naming patulan ito.” – Atty. Barry Guttierez, Spokesperson, VP Leni Robredo

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *