Nadine Lustre
Showbiz

Nadine Lustre, humakot ng parangal sa Myx Music Awards 2019

ITINANGHAL na big winner at humakot ng major awards ang singer-actress na si Nadine Lustre sa katatapos lang na Myx Music Awards 2019.

Ito ay matapos kapwa matagumpay na naiuwi ni Nadine ang pamosong Artist of the Year at Female Artist of the Year Awards.

Wagi din bilang Music Video of the Year ang kaniyang single na “St4y Up.”

Bukod dito, nasungkit ng young star at kaniyang real-life boyfriend na si James Reid ang Media Soundtrack of the Year Award para sa kanilang duet na “Prom.”

Iginawad naman sa Bandang Juan Karlos ang prehistiyong Song of the Year Award para sa hit song na “Buwan.”

Naganap ang Myx Music Awards 2019 kagabi sa Vertis Tent sa Quezon City.

SMNINEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *