Muslim
Metro

Muslim vendors sa Divisoria na apektado ng clearing operation ng MMDA

Nanindigan ang isang asosasyon ng mga Muslim-Christian na walang nangyayaring pangongotong sa kanilang pwesto na sinasabing dahilan kung bakit tumatagal sila sa lugar.

Sa kabila na rin ito ng istriktong panuntunan sa pagbabawal ng paggamit ng kalsada bilang pwestuhan ng paninda.

Aminado ang asosasyon na maraming beses na silang napagsabihan ngunit hirit ng mga ito may kaluwagan ang polisiya ng Maynila sa kanila kung kayat kadalasa’y naabuso nila ito sa paraang pabalik-balik sila sa pwesto.

Naniniwala ang MMDA na malaking tulong ang tuloy-tuloy nilang operasyon upang matapos na ang problema ng trapiko sa dumaraming populasyon at sasakyan sa bansa.

Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *