Metro

Murang pabahay sa mga kawani ng munisipyo at guro, itatayo sa Marawi maliban pa sa mga ‘transitional shelters’

Sabay na itatayo ang apat na low rise building sa Marawi para sa abot kaya na pabahay ng mga kawani ng pamahalaan at transitional shelters sa mga naapektuhan sa kaguluhan.
Ayon kay Bangon Marawi Spokesperson Kristoffer James Purisima, 60 condo type units ang itatayo sa lungsod sa apat na gusali na itatayo nito.
Dahil hindi ito libre, tiniyak ng pamahalaan na kayang-kaya itong bayaran dahil sa isang libong piso lang ang babayaran buwan-buwan.
Dagdag pa ni Purisima, para lang naman ito sa mga nais mag-avail ng murang pabahay para sa mga nagtatrabaho sa city hall at mga guro at hindi naman required silang lahat na kumuha dahil pwede naman silang tumira sa itatayong transitional shelters kung nais nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *