magsasaka
National

Murang pabahay para sa mga magsasaka, nakatakdang itayo ng DAR

Sa ikalawang phase ng Agrarian Reform Program, nakatakdang itayo ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Farm and Farmworkers Housing Program para sa mga magsasaka.

Kinumpirma ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones, na sakop ng murang pabahay ang nasa 2.8 milyong mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBS) sa buong bansa.

Ang pabahay ay koordinasyon sa ilang mga government agencies gaya ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), National Housing Authority (NHA), Pag-Ibig Fund at ilan pang ahensya na may kinalaman sa housing.

Sa model unit na ipinakita ng DAR, ang mga pabahay ay duplex type na may dalawang bedrooms at may lawak na 37 square meters na may sariling kusina, dining space at palikuran sa loob.

Solar powered ang mga pabahay kaya mapapakinabangan ito lalo ng mga benpisyaryo.

Bagamat hindi libre, tiniyak ng DAR na abot kaya ng mga magsasaka ang units na maaring bayara ng P1, 200 kada buwan sa loob ng 30 taon.

Nakatakda simulan sa lalong madaling panahon ang konstruksyon ng mga bahay ngayong taong kasalukuyan.

MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *