Bus Rapid Transit
Metro

Multi-milyong Bus Rapid Transit project, hindi na itutuloy

Hindi na itutuloy ng Department of Transportation (DOTr) ang multi-million Bus Rapid Transit (BRT) Project.

Ito’y ayon kay DOTr Undersecretary for Roads Tim Orbos, dahil hindi umano ito ang solusyon sa problema sa trapik sa Metro Manila.

Sinabi ni Orbos na hiniling nila sa National Economic and Development Authority (NEDA) na huwag nang ituloy ang BRT Project matapos na makahanap sila ng ibang solusyon sa problema sa trapiko.

Ayon kay ORBOS, ang kanselasyon ay ibinase nila sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na nagsasabing hindi solusyon ang BRT Project sa malalang trapik sa Metropolis.

Aniya, nais ng ADB na mas palakasin ng DOTr ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3)  sa EDSA imbes na ituloy ang BRT Project.

Ang DOTr ay magtatayo sana ng BRT-Line 1 mula Quezon Memorial Circle hanggang Manila City Hall via Elliptical Road, Quezon Avenue at España Blvd., at ang BRT–Line 2 ay sa kahabaan ng EDSA.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *