Luzon Grid sa red alert
National

Muling idineklara na Red alert ang Luzon grid sa ikatlong sunod na araw

IDINEKLARA muli sa ikatatlong sunod na araw ang luzon grid sa red alert sa loob ng labing tatlong oras dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

sa abiso ng National grid corporation of the philippines (NGCP), alas nuwebe ng umaga hanggang alas dyes ng gabi ang red alert.

una nang inilagay sa yellow alert ang luzon grid kaninang alas otso ng umaga hanggang alas nuwebe ng umaga at muli itong iiral mamayang alas dyes ng gabi hanggang alas onse ng gabi.

sinabi ng NGCP na nasa 10,334 megawatts ang peak demand habang nasa 10,220 megawatts ang available capacity.

dahil dito, nagbabala ang NGCP ng posibleng brownouts.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *