Angkas
National

Motorcycle taxi na Angkas, muling aarangkada

TATAKBO na ang motorcycle ride-hailing service na Angkas.

Ito ay matapos magkasundo ang mababang kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation sa panukalang pilot run ng Angkas.

Ito ay bilang isang test case sa pagbuo ng mga regulasyon para sa motorcycle taxis.

Ayon kay DOTR Assistant Secretary Mark De Leon, pinag-aaralan ngayon ng technical working group ang mga naangkop na regulasyon.

Para sa motrocycle taxis bilang Public Utility Vehicles.

Sa ngayon ay binabalangkas na ng TWG ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *