PHILAPEX
Technology

Moderno at gawang Pinoy na mga PUVS, ibinida sa 2nd PHILAPEX Expo 2018

Binuksan ng buong pwersa ng Philippine Parts Makers Association ang 2nd PHILAPEX 2018 sa SMX Convention Center na may temang gawang “Pilipino para sa Pilipino.”

Layunin nito na ibida ang mga pampasaherong sasakyan o mga puvs na gawang Pinoy na sigurado ang kalidad at swak sa modernong panahon.

Ilan sa mga ahesnya na nasa likod ng naturang event ay ang LTFRB at DTI na naniniwala na mas mapapaunlad ng event na ito ang local industry ng mga PUVS.

Sinabi ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na tiwala sila na mas susuportahan ng mamayan at ng pangulo ang kanilang adhikain dahil mas maipu-promote ang mga gawang Pinoy.

Dagdag pa ni Lopez tiyak ang kalidad ng mga bagong puvs para sa tiyak na seguridad ng mga pasahero.

Ilan sa mga notable improvement sa pangawalang transpo expo na ito ay ang pakikilahok ng Isuzu Philippines Corporation na magbubukas ng mas maraming job opportunities and sustainable labor force.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *