model
Metro

Pilipinas next top model gone wrong

NABUBUHAY tayo ngayon sa social media generation.

Kaya naman ang mga kabataan ay talagang gagawin ang lahat upang makuha ang kanilang Instagram worthy pictures.

Tulad na lamang ng magkakabarkada na full force para sa IG picture ng kanilang tropa.

Makikita sa video na in-upload ni Jewel Pelegrino, ang tatlong dalagitang tulong-tulong.

Upang ma-achieve ang ma-ala top model portrait ng kanilang kaibigan.

Habang buhat-buhat ng isa ang todo posing na model ay mabilis na kumukuha ng litrato ang naatasang photographer.

Ngunit hindi inaasahang mabitawan ang modelo na tuluyan nahulog sa damuhan.

Hindi man nila na-achieve ang kanila IG pic ay achieve na achieve naman nila ang viral peg ng ating netizens.

Umani ng mahigit dalawang milyong views, halos 70 thousand shares.

At mahigit 40 thousand reacts ang photoshoot gone wrong na ito sa Facebook.

Ulat Ni: Patricia Fulo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *