Showbiz

MMFF 2017, ipinagmalaki ang nalampasang target na P1-B box-office returns

IPINAGMALAKI ng mga organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na nahigitan pa nila ang inaasahang P1-billion box-office returns.
Ito ang naitala sa huling araw ng screening ng mga pelikulang kasali sa MMFF.
Ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer, extended pa rin ang pagpapalabas sa ilang entry ng ilang sinehan dahil sa pagtangkilik ng mga Pinoy sa mga pelikulang Pilipino.
Hindi naman iniulat ng mga organizers ang ranking ng walong MMFF entry.
Kabilang sa mga pelikulang entry sa MMFF ay ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad, Ang Larawan, Siargao, All of You, Ang Panday, Meant to Beh at Deadma Walking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *