nakaalerto
Metro

MMDA, nakaalerto na sa matinding trapik ngayong “ber months”

SA pagpasok ng “ber months,” nakaalerto na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa posibleng mas matinding trapik na mararanasan.

Inaasahan na kasi ng MMDA ang pagdagsa ng mga shopper sa mga malls, divisoria at iba pang mga pamilihan sa Metro Manila.

Kasama na rin sa magpapasikip ng trapik ang ilang road repairs at pagsasara ng old Sta. Mesa bridge sa Maynila.

Kabilang din sa magsasara ang Estrella-Pantaleon Bridge sa Makati para sa rehabilitasyon ngayong Setyembre.

Ang Sta. Mesa Bridge na kumokonekta sa San Juan at Quezon City ay isasara para bigyan daan ang konstruksyon ng Skyway Project.

Ayon kay MMDA Special Operations Task Force Commander Bong Nebrija, aabutin ng pitong buwan ang rehabilitasyon nito.

Samantala, sa unang quarter ng 2019 ay nakatakdang simulan ang rehabilitasyon sa Guadalupe Bridge.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *