Metro

MMDA nagsagawa ng flag raising ceremony sa Baclaran


Nagsagawa ng flag raising ceremony ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang matagumpay na clearing operations sa Baclaran Service Road.
Kabilang sa dumalo sina MMDA General Manager Thomas Orbos, Pasay City Mayor Antonino Calixto, MMDA Assistant General Manager Julia Nebrija at MMDA Undersecretary Frisco San Juan.
Sa talumpati ni Orbos, pinasalamatan niya ang mga empleyado ng MMDA sa pagsasaayos at paglilinis sa lugar.
Hindi aniya nila inakalang ang tagumpay ng kanilang ahensiya sa lugar ay kikilalanin sa buong bansa.
Ang Baclaran aniya ang simbolo ng bagong Pilipinas.
Lubos din ang pasasalamat ni Calixto sa matagumpay na clearing operations ng MMDA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *