MMA fighter
Sports

MMA fighter Brandon Vera, handang-handa ng depensahan ang titulo

TATAPAK na ngang muli sa cage ang MMA fighter na si Brandon ‘The Truth’ Vera.

Para depensahan ang kaniyang One Heavyweight Title matapos ang dalawang taon.

Kasado na ang magiging harapan nila ni Mauro ‘The Hammer’ Cerilli sa ONE: Conquest of Champions.

Gaganapin ito mamayang gabi sa Mall of Asia Arena.

Sa naging pahayag naman ni Vera, aniya talagang agresibo ang italian fighter na si Cerilli.

Na kailangan niyang sabayan ang bilis at gilas ng upperhand right nito.

“Mauro is a very aggressive striker, he moves while he swings, he doesn’t stand on one spot,” ayon kay Vera.

“He’s got a deadly overhand right. That’s something I have to look out for.”

Sagot naman ni Cerilli na hindi ito magbibigay ng partikular na galaw sa fight.

At tutumbasan lang aniya ang ihahain ng katunggali nito.

“I’m not gonna approach the fight in a specific way,” ayon kay Cerilli.

“I’m going to wait for what Brandon brings to the table and respond accordingly.”

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *