miyembro ng Abu Sayyaf
Regional

Miyembro ng Abu Sayyaf, arestado sa Jolo, Sulu

Naaresto ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang joint law enforcement operations ng pulisya at militar sa Barangay Walled, Jolo, Sulu.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Police Director Police Chief Supt. Graciano Mijares, kinilala ang bandido na si Hashim Abtaib alyas Abu Imam.

Agad namang tinurn-over sa Zamboanga City Regional Police Office ang naarestong bandido para sa imbestigasyon at sa debriefing.

Kaugnay nito, lalo pang pinaigitng ng PNP ang kanilang operasyon laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa rehiyon.

2 babaeng pulis na dinukot ng Abu Sayyaf, iprinisinta kay pang. Duterte 

Iniharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pinalayang dalawang babaeng pulis na pinaniniwalang dinukot ng mga Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Kinilala ang pinalayang dalawang policewoman na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.

Personal na dinala kay Pangulong Duterte ni Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana ang dalawang pinalayang pulis sa  tulong ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Nanindigan naman ang militar na walang naging ransom para mapalaya ang dalawang babae pulis.

Sa ngayon ay sumasailalim sa debriefing at counseling sina Alvarez at Gumahad.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *