Showbiz

Miss Universe 2018 Catriona Gray, biyaheng Indonesia

Matapos ang matagumpay na homecoming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa bansa ay nakatakda namang muling lumipad ang beauty queen sa Indonesia.

Kasama ang Miss Universe Organization ay sunod na bibiyahe patungo sa nasabing bansa si Queen Cat para sa coronation night ng Puteri Indonesia 2019 sa Marso 8.

Dito inaasahang magkikita-kita ang present at former queens mula sa iba’t ibang pageant kabilang sina reigning Miss International Mariem Velazco ng Venezuela, reigning Miss Supranational 2018 Valeria Vazquez ng Puerto Rico at 2017 Miss Supranational Jenny Kim ng Korea.

Ang Indonesia ang magiging unang international trip ni Catriona sa kaniyang tungkulin bilang Miss Universe.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *