Showbiz

Miss Earth-PH Karen Ibasco, tinanghal na ‘Darling Of The Press’ sa Miss Earth 2017

VERY THANKFUL ang pambato ng Pilipinas sa Miss Earth 2017 na si Karen Ibasco sa suportang tinatanggap mula sa mga kababayang Pilipino.
Nagpasalamat din ang ‘Pinay beauty queen matapos itong itanghal bilang Darling of the Press.
Base sa ulat, nangunguna rin si Ibasco sa medal tally na sinundan ng Miss Thailand at Zambia.
Nakakuha ng tatlong gold medals ang 27-year old beauty queen, kabilang dito ang Darling of the PressNational Costume at Swimsuit Competition.
Nakatanggap din ito ng dalawang silver medal sa resorts wear at long gown competition.
Sa Nobyembre 4 ang coronation ng Miss Earth 2017 na gaganapin sa SM Mall Of Asia Arena sa Pasay City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *