Misencounter
Regional

Misencounter sa Samar, iimbestigahan ng PNP

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa nangyaring misencounter sa pagitan ng pulis at militar sa Samar kung saan anim na pulis ang nasawi

Sa direktiba ng PNP Chief, ipinag-utos nito ang pagbuo ng board of inquiry na tututok sa insidente at maging sa magiging hakbang para hindi na maulit pa ang ganitong misencounter.

“The board of inquiry will not only look into the incident itself but look into the operational strategic ramification of the incidents so that this kind of unfortunate incident will not happen in the future.” – Dir. Gen. Oscar Albayalde, Chief, PNP

Maliban rito, pinamamadali rin ni Albayalde kay Police Regional Office 8 Chief Superintendent Mariel Magaway ang pagpapalabas ng tulong para sa mga naulila ng mga nasawi pulis na pawang mga PO 1.

Nakatakdang pangunahan ni Directorate for Integrated Police Operations Visayas Director Rolando Felix ang bubuuing board of inquiry.

Base sa inisyal na impormasyon, pasado alas nuwebe ng umaga ng June 25,  nagsasagawa ng minor combat operations ang mga pulis sa Barangay Sta. Rosa, Villareal, Samar ng paputukan ito ng mga sundalo na miyembro ng Philippine Army 87th Infantry Battalion.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *