Jaafar
National

MILF 1st vice chair Ghadzali Jaafar, pumanaw na

Pumanaw na si Bangsamoro Transition Commission (BTC) Chairman at Moro Islamic Liberation Front (MILF) First Vice Chairman Ghazali Jaafar sa edad na 75.

Kinumpirma ito nina MILF chief Al Haj Murad Ebrahim at Professor Raby Angkal, chief of staff ng Office of the Chairman ng BTC.

Ala-una kaninang madaling araw ng bawian ng buhay si Jaafar sa Metro Davao Medical and Research Center sa Davao City dahil sa kidney failure.

Dadalhin ang labi ng opisyal sa kanilang tahanan sa Barangay Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kamakailan lang ay itinalaga si Jaafar bilang speaker ng parliament ng bagong tatag na Bangsamoro Autonomous region in Muslim Mindanao (BARMM) na produkto ng Bangsamoro Organic Law.

 Pakikiramay at mensahe ng pasasalamat, bumuhos

Bumuhos ang pakikiramay at mensahe ng pasasalamat mula sa mga kilalang personalidad sa pagpanaw ni MILF Vice Chairman at Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member Ghazali Jaafar.

Kabilang sa nagpaabot ng pakikiramay sina senador JV Ejercito, Nancy Binay, Sonny Angara at Armed Forces of the Philippines Chief Carlito Galvez.

Inihayag ni Susana Salvador Anayatin, miyembro ng BTA ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Jaafar.

Tiniyak ng opisyal na ipagpapatuloy ng BTC ang struggle para sa Right to Self Determination (RSD) ng Bangsamoro.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa pamilya at kaibigang naiwan ni Jaafar.

Sinabi ni OPAPP Secretary Carlito Galvez na sa kabila ng karamdaman ni Jaafar ay naging aktibo pa rin ito para mangampanya upang maipasa at maratipakahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *