Matatanggap
National

Mid-year bonus, matatanggap na sa susunod na linggo

Matatanggap ng mga empleyado ng gobyerno ang mid-year bonus sa susunod na linggo, May 15.

Ito ang tiniyak ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa ginanap na forum sa Maynila kung saan katumbas aniya ng isang buwang basic salary ng empleyado ang nasabing mid-year bonus.

Ayon kay Diokno, tinatayang nasa 1.5 milyong empleyado ng gobyerno ang mabibigyan ng mid-year bonus ng pamahalaan.

Nasa P36.2-B naman ang kabuuang halaga ng alokasyon para sa nasabing bonus ng mga government personnel.

Sa ilalim ng Budget Circular No. 2017-2, ang mga empleyado ng gobyerno na mapagkakalooban ng mid-year bonus ay ang lahat ng nasa posisyon para sa civilian personnel: regular, casual o contractual in nature; appointive o elective full-time o part-time.

Saklaw din dito ang military personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng Department of National Defense (DND) at uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG) ng Department of Transportation (DOTR), National Mapping and Resource Information Authority ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Public Safety College at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang mga kwalipikadong empleyado na makakatanggap ng mid-year bonus ay:

  • Una, dapat ay nakapagserbisyo na ng apat na buwan simula July 1, 2017 hanggang May 15, 2018.
  • Pangalawa, mga nanatiling nasa gobyerno hanggang sa kasakuluyan.
  • Mga empleyadong naabot ang satisfactory performance rating na kinakailangan para sa performance appraisal period.

Dagdag pa ng budget chief na ang funding requirement para sa mid-year bonus ay komprehensibong inilabas sa mga ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng General Appropriations Act (GAA) bilang allotment order policy.

Ulat ni Cresilyn Catarong

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *