microsatellite
Technology

Microsatellite na gawang Pilipino, ipadadala sa kalawakan

SA ikalawang pagkakataon ay muling magpadadala ng microsatellite ang Pilipinas sa kalawakan na gawang Pinoy.

Sa susunod na linggo Oktubre 29, ay lilipad sa kalawakan ang Diwata-2 mula sa Tanegashima Space Center ng Japan.

Ang Diwata-2 ay isang uri ng micro satellite na ginawa ng 11 scholars sa ilalim ng Department of Science and Technology o DOST.

At sa pakikipagtulungan ng Tohoku University at Hokkaido University ng Japan.

Layon ng nasabing microsatellite na magsagawa ng ilang misyon tulad ng weather observation, disaster risk management, at environmental monitoring sa kalawakan.

Ang nasabing misyon ay makakatulong upang mas mapag-aralan pa ng mga siyentipiko ang iba’t ibang kalamidad sa bansa.

At mapaghandaan ang mga ito sa hinaharap.

Ayon sa Asian Disaster Reduction Center (ADRC), nakakaranas ng nasa 20 bagyo ang Pilipinas kung saan lima sa mga ito ay mapanganib.

Naisagawa ang proyekto dahil sa pagnanais ng Japan na makapagpadala ng 50 microsatellites sa kalawakan.

Kung saan dalawa sa mga ito ay naitalaga sa Pilipinas.

Samantala, bago ang Diwata-2 ay nauna nang ipinadala sa International Space Station ang Diwata-1 o ang Phl-Microsat-1 noong Abril ng 2016.

Ang Diwata-1 ay ang pinakaunang microsatellite mula sa Pilipinas na ginawa ng 9 na Filipino engineers.

Umaasa naman ang DOST na ang nasabing imbensyon ay magiging daan upang unti-unting makabuo ng local electronics, aerospace.

At satellite building industry sa Pilipinas.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *