nagpaabot
Sports

Michael Jordan, nagpaabot ng suporta kay Lebron

Matapos ang naging patutsada ni US President Donald Trump sa Twitter tungkol sa intelligence ability ni James, nagpaabot naman ng pagsuporta ang ilang atleta maging ang NBA legend na si Michael Jordan kay Lebron James.

Sa naging pahayag ni Michael Jordan, iginiit nito ang kanyang suporta kay James na gumagawa ng magandang bagay.

Nakiisa rin si NBA player Karl Anthony Towns sa naging tweet nito na,

“MI has dirty water still.

But you worried about an interview about a man doing good for education and generations of kids in his hometown”?

Maging ang asawa ni Trump na si Melania ay hanga sa good will ng player na si James.

Mas iniisip nito ang mga isyung kinakaharap ng mga kabataan ngayon.

Lumabas ang naging tweet ni Donald Trump pagkaraang mainterview si Lebron James sa isang malaking media company sa US matapos itong lumipat sa LA Lakers at buksan ang I Promise School sa kanyang hometown sa Akron, Ohio.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *