Miami Heat guard
Sports

Miami Heat guard Josh Richardson, pinagmumulta ng $25, 000

PINAGMUMULTA naman ng $25,000 ang Miami Heat guard na si Josh Richardson ng NBA.

Matapos nitong ibato ang kaniyang sapatos sa isang stand.

Nangyari ang pambabato bago tuluyang matapos ang fourth quarter game nila kontra sa LA Lakers.

Nangyari ito kahapon na nagbigay sa kanila ng pagkatalo.

Laking dismaya ng manlalaro matapos pa itong mapatawan ng technical foul at ma-eject sa game.

Sa naging pahayag naman ni Richardson, wala naman na itong magagawa kundi tanggapin ang lahat at matuto nalang sa kaniyang pagkakamali.

Si Richardson ay ang kasalukuyang best scorer ng Miami Heat.

Nakapag-averaged si Richardson ng 20.1 sa unang labing-anim na laro nito ngayong season.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *