tsuper
National

Mga tsuper ng jeep, madedehado sa pag-aangkat ng diesel sa Singapore

IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian na maraming tsuper ng pampasaherong jeep ang madedehado sa planong pag-aangkat ng diesel sa Singapore.

Sinabi ni Gatchalian na hindi lahat ng gasolinahan ay mag-iimbak ng Singapore Diesel.

Aniya, dapat ay timbangin at pag-aralan kung ano ang mas makabubuti sa mga ordinaryong tsuper.

Duda naman ni Gatchalian na isang mainam na solusyon para mabawasan ang pasanin ng mga tsuper ay ang mag-angkat ng diesel sa Singapore.

Ito ay ayon sa desisyon ng Philippine National Oil Company- Exploration Corporation Board.

Napagdesisyunan na mag-angkat ng P2B halaga ng diesel sa Singapore.

Ito aniya ay dahil wala namang garantiya na makakakuha ng murang diesel ang mga driver ng jeep.

Dahil tiyak na magpapartisipa sa nasabing programa ang lahat ng gasolinahan.

Ipinaliwanag ng Chairman ng Senate Committees on Economic Affairs and Energy na kailangan ng halos P161.1M litro ng diesel kada buwan.

Ito ay sa mahigit isandaang lehitimong franchise holders ng jeep sa buong bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *