SINIBAK
Metro

Mga tauhan ng Las Piñas City Police SDEU, sinibak

SINIBAK sa pwesto ni NCRPO Police Chief Director Guillermo Eleazar ang lahat ng tauhan ng Las Piñas City Police’s Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Ayon kay Eleazar, nasa 32 police officers ang kanyang sinibak kabilang na ang hepe ng Drug Enforcement Unit.

Kasunod aniya ito ng insidente ng pangingikil at pagdukot ng tatlong tauhan ng SDEU sa isang drug suspect.

Ani Eleazar, nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon sa insidente.

sinabi ni NCRPO chief na hindi dapat samantalahin ng mga pulis ang kampanya laban sa iligal na droga at pagkakitaan ito.

matatandaang nagkasa ng entrapment operation ang mga operatiba ng Southern Police District (SPD) pero nabigong maaresto ang mga suspek matapos na isang labintatlong taong gulang na binatilyo ang kumuha ng ransom money.

patuloy naman pinaghahanap ang dinukot na drug suspect na si zyrus libutan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *