libreng sakay
Metro

Mga senior citizens, may libreng sakay sa LRT 2 at MRT 3

MAY libreng sakay ngayon na handog ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Aabot ng isang linggo ang libreng sakay para lamang sa mga senior citizens.

Ang isang linggong libreng ay nagsisimula ngayong araw ng Lunes Oktubre 1 at tatagal ito sa Oktubre 7.

Bahagi ito ng pakikiisa ng LRT-2 at MRT-3 sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week na magtatapos sa Oktubre 7.

Ang libreng sakay sa LRT-2 ay mula 7:00am hanggang alas 9:00am at mula 5:00pm hanggang 7:00pm.

Habang ang free ride sa MRT-3 ay mula alas 5:00am hanggang 10:00pm.

Magdala at ipakita lamang ang senior citizen ID para maka-avail ng libreng sakay.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *