Bagyong Jebi
International

Mga residente sa Japan, pinaghahanda sa Bagyong Jebi

INAASAHANG banta sa buhay at ari-arian ang papasok na Bagyong Jebi sa Japan.

Kaya pinaalalahanan ang mga residente na maging handa sa direktang pag-atake nito.

Kabilang sa mga lugar na maapektuhan  ang Shikoku at Southern and Central Honshu.

Sa kabila na humina na sa typhoon mula sa super typhoon, ang Bagyong Jebi ay magbunsod pa rin ng malakas na hangin.

Kabilang din ang pagbaha sa mga lugar dahil sa walang tigil na pag-ulan na dulot ng bagyo.

Ayon sa Accuweather Senior Meteorologist Adam Douty, may lakas ang bagyo ng Category 2 o 3 na may 145 hanggang 160 km/h.

Aniya ay maaaring makapagbigay ng malaking kasiraan ang naturang bagyo.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *