National

Mga residente sa Albay, nananatiling nanganganib sa Bulkang Mayon—PHIVOLCS

IRE-RECONFIRM pa ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) kung ibababa ang Alert Level 4 status ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Ed Laguerta, maglalaan ang ahensya ng isa hanggang dalawang linggo kung maaari nang ibaba ang alert level ng bulkan.

Iginiit naman ni Albay Public Safety and Emergency Management Office Chief Dr.Cedric Daep na kahit ibaba sa Alert Level 3 status ng bulkan ay nananatiling mapanganib pa rin sa mga residente na nakatira sa 6-kilometer radius permanent danger zone hanggang 7-kilometer extended danger zone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *