pulis
National

Mga pulis, bawal ng uminom sa mga bar, nightclub at mga pampublikong lugar

PAGBABAWAL sa lahat ng pulis na uminom sa mga bar, nightclub at mga pampublikong lugar.

Ito ay ipinag-utos ni DILG Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP).

Kasunod na rin ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng law enforcers.

Na aniya ay iwasang uminom sa mga pampublikong lugar para makaiwas sa gulo.

Sinabi ni Año na dapat maglabas ng administrative circular ang PNP para matiyak na ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho.

Ayon kay Año, umaasa siya kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde hanggang sa lahat ng chief of police.

Na aniya ay pangungunahan ng mga ito ang kautusan para maging halimbawa sa kanilang mga tauhan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *