Mga public school
National

Mga public school sa bansa, palalagyan ng nurse

Isang panukalang batas ang isinusulong sa kongreso.

It ay naglalayong lagyan ng isang nurse ang lahat ng mga public schools sa buong bansa.

Kasama na dito ang mga State Universities and Colleges (SUCS).

Ipinanukala ni Aangat Tayo Rep. Neil Abayon ang House Bill 7874.

Ito ay naglalayong maglagay ng isang school health and safety office sa bawat pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ay makakatulong hindi lang sa kalusugan ng mga estudyante at mga guro.

Maging ang pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho ang mga dumaraming nakakapasang nurses sa bansa.

Ayon kay Abayon, “By deploying many nurses to the public schools, a heavy burden will be lifted from the shoulders of our public school teachers.
That is because they have been carrying the workload that health care professionals should have.”

 Dagdag pa ni Abayon, may kabuuang 52,156 na mga public elementary at high schools kasama na ang mga SUCS sa buong bansa.

Ibig sabihin, mahigit 50, 000 mga trabaho ang maibibigay sa mga bagong nurse.

“At the minimum of one nurse per school, passage of this law would mean at least 52,156 new jobs for nurses at our public schools.

Ayon sa mambabatas, ang Department of Education (DEPED) ay may halos 2, 000 nurses sa buong bansa.

Pero hindi sila nakadestino sa mga paaralan ngunit sa mga DEPED school division offices.

Hindi sapat para matugunan ang pangangailangan ng kalusugan at nutrisyon ng nasa humigit kumulang 27 milyong estudyante sa buong bansa.

Dagdag pa ni Abayon, “2,000 nurses is certainly not enough to attend to the health and nutrition of our more or less 27.7 million school children and teenagers under DEPED care.”

Umaasa si Abayon na susuportahan ng mga kapwa mambabatas ang kanyang magandang panukala.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *