produktong lokal
Business

Mga produktong lokal, itatampok sa 17th Franchise and Business Expo

Itatampok ang mga produktong lokal sa 17th Franchise and Business Expo ng Association of Filipino Franchisers, Inc. o AFFI, katuwang ang Security Bank at Globe My Business, ngayong Pebrero 1-3, sa World Trade Center, Pasay City.

Ang naturang Expo ay may temang, Galing ng Pinoy: Local is the New Focal.

Ayon sa AFFI, mas bibigyang pansin ang mga gawang Pinoy bagaman may mga produkto rin namang magmumula pa sa ibang bansa.

Layunin ng AFFI na makahikayat ng mga negosyanteng Pinoy na makapag-isip ng mga bago at kakaibang konsepto ng negosyo.

At kumbinsihin rin ang mga investors na maglaan ng puhunan sa mga local brands.

Nanumpa rin ang mga bagong miyembro ng AFFI, na naglalayong mas mapalago pa ang kani-kanilang mga negosyo.

Aabot sa 300 exhibitors mula food retails hanggang service providers ang mga kalahok sa expo.

Highlights rin sa naturang event ang mga seminars, mentoring sessions at cultural and stage presentations.

Sa ngayon, ang AFFI ay mayroong 221 members kung saan aabot ito sa 16,000 outlets.

Ang 36 percent nito ay company owned business at 64 percent naman ay under franchise.

Ulat ni Aileen Navarro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *