Saudi Arabia
National

Mga Pinoy sa Saudi Arabia, pinag-iingat

Muling pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Saudi Arabia na doblehin ang kanilang pag-iingat bunga ng missile attack na ikinasawi ng tatlo katao sa lugar.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa pamamagitan ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano para sa mga naulila ng mga nasawi sa naturang pag-atake.

Ayon naman kay Consul General Edgar Badajos, target sa nasabing pag-atake ng mga rebelde mula Yemen ang Jizan na pangunahing sentro ng oil distribution sa Jeddah kung saan may labinlimang libong Pilipino ang nagtatrabaho.

Magugunita na tatlong taon ng may giyera sa pagitan ng yemen at Saudi Arabia bunsod ng pangingialam ng Saudi nang maibalik sa pagiging pangulo ng Yemen si Abdrabbuh Mansour Hadi.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *