Nicaragua
International

Mga Pinoy sa Nicaragua, nananatiling ligtas

Wala pang naiuulat sa embahada ng Pilipinas sa Managua, Nicaragua na may Pilipinong nadamay sa tumitinding kaguluhan sa naturang lugar.

Ito ay bunsod ng kaguluhan sa pagitan ng mga nagsasagawa ng kilos-protesta at ng pamahalaan dahil sa panibagong patakaran ni Nicaraguan President Daniel Ortega na bawasan ang pension benefits ng mga Nicaraguans.

“We would like to assure our Kababayans in Nicaragua that we are ready to fly them home anytime.”
“In the meantime, we urge them to remain vigilant and to be ready for any eventuality.” – Foreign Affairs Secretary, Alan Peter S. Cayetano

Kaugnay nito, pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino sa naturang bansa na mag-ingat o mag-avail sa repatriation program ng pamahalaan.

Sa ngayon, nagpadala na ng team si Philippine Ambassador to Mexico Demetrio Tuason sa Managua para i-asses ang sitwasyon ng mga Pinoy workers.

“Philippine Embassy in Mexico led by Ambassador Demetrio R. Tuason continues to monitor the situation in Nicaragua since rioting and looting erupted in various parts of the country in April.” – Foreign Affairs Sec. Alan Peter S. Cayetano

Tiniyak naman ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Nicaragua .

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *