dumadagsa
Metro

Mga pasahero pauwi ng probinsya, unti-unti ng dumadagsa sa mga bus terminal

Limang araw bago mag pasko, unti-unti nang dumadagsa ang mga pasahero sa mga terminal ng bus.

Ilang kumpanya ng bus sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao ang nag-abiso sa kanilang mga pasahero na sold-out na ang provincial trips simula bukas, Disyembre 21.

Partikular dito ang biyahe pa-Bicol.

Fully-booked na rin ang mga biyahe ng Eagle Star sa Dimasalang, Sta. Cruz sa Maynila at sa Florida Bus sa Sampaloc sa Maynila hanggang sa Disyembre 30.

Ang mga pasahero na hindi nakapagpa-reserve ay magiging chance passenger na lamang.

Number coding scheme para sa mga provincial bus, suspendido mula bukas hanggang Enero 2, 2019

Sususpendihin na ang pag-iral ng number coding scheme para sa mga provincial bus.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), epektibo ito simula bukas, Disyembre 21, 2018 hanggang Enero 2, 2019.

Suspendido rin ang number coding para sa mga pribadong sasakyan simula Disyembre 24, 2018 hanggang Enero 2, 2019.

Bunsod ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwing probinsya para ipagdiwang ang kapaskuhan at bagong taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *