Manila Bay
Metro

Mga pamilyang maaapektuhan ng Manila bay rehab, may malilipatan

MAY nakalaan nang malilipatan ang nasa dalawang libong pamilya na maapektuhan ng rehabilitasyon sa Manila Bay.

Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) na tutulungan nila ang mga apektadong pamilya sa gilid ng Manila Bay.

Ibibigay ng PPA ang kanilang limang ektaryang lupain sa Tondo, Maynila sa mga pamilya na mapapaalis sa Manila Bay.

Ayon ito kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago.

Ang nasabing mga pamilya ay mga residente ng Isla Putting Bato.

Bukod dito, naglaan din ang PPA ng P1M para sa social preparation ng mga residente bago ilipat ang mga ito.

Pagligo sa Manila Bay, ipinagbawal muna

PINAGBAWALAN muna ng Department of Health (DOH) ang publiko na lumangoy at maligo sa Manila Bay.

Ayon sa DOH, maaaring magkasakit ang mga taong lalangoy sa lawa  dahil sa mataas na lebel ng coliform sa tubig.

Ilan umano sa mga sakit na posibleng makuha sa maruming tubig sa Manila Bay ay diarrhea, cholera, at sakit sa balat.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo, hinihintay pa nila ang resulta ng pagsusuri sa kaligad ng tubig sa lawa bago ito langoyan.

Ayon ka Domingo, ilalabas ngayong linggo ang pinakahuling resulta ng water test na magdedetermina sa fecal coliform level.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *