opisyal
National

Mga opisyal ng PCOO, ipinanawagang sibakin si Asec. Mocha

Tumangging magbigay ng pahayag ang Presidential Communications kaugnay sa napaulat na may ilang opisyal nito ang nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte para magbitiw sa puwesto si Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, hindi niya makumpirma at mapabulaanan ang isyu dahil hindi na niya ito nakikita.

Para naman kay Communications Secretary Martin Andanar, makikipag-ugnayan muna siya sa Executive Secretary Salvador Medialdea.

Una nang napaulat na siyam na opisyal ng PCOO ang nanawagan kay Duterte na sibakin si Uson at nagsumite ito ng pormal na liham sa Office of the Executive Secretary.

Magugunita na hinamon ni Philippine Information Agency Director General Harold Clavite si Uson na mag-leave muna sa trabaho at humingi ng paumanhin dahil sa kontrobersiyal na Federalism jingle na umani ng negatibong kritisismo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *