National

Mga negosyante at stakeholders, umalma sa pagpapasara ng Boracay Island

Umalma ang mga negosyante at iba’t ibang stakeholders sa pansamantalang pagsasara ng Boracay Island.

Sa isinagawang pulong balitaan ng Boracay Tourism Stakeholders sa Makati, sinabi ng mga ito na nasa limampu’t anim na bilyong tourism revenues ang mawawala sa bansa kung isasara ang Boracay sa loob ng siyam na buwan.

Aabot din sa tatlumpu’t anim na katao ang maapektuhan ng pagsasara.

Iginiit ng grupo na bukas sila sa rehabilitasyon pero hindi ang pagsasara ng isla.

Rekomendasyon ng grupo na bigyan ng animnapung araw ang mga negosyante para magsawa ng kani-kanilang clean-up at rehabilitation sa kanilang mga establisyemento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *