nasawi
International

Mga nasawi sa kalamidad sa Japan, umabot na sa 179

Umaabot na sa isandaan pitumpu’t siyam (179) ang mga nasawi sa matinding pagbaha at landslide sa Japan.

Habang halos pitumpung (70) katao pa ang nawawala sa tinaguriang “Deadliest Weather-Related Disaster” sa loob ng tatlong dekada sa Japan.

Marami din sa mga mamamayan sa lugar partikular sa lungsod ng Kurashiki na apektado ng pagbaha ang nasa rooftop o bubong na naghihintay na ma-rescue.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang search and rescue operations kahit aminado ang rescue teams na hopeless na sila na makakakita pa ng mga survivors.

Samantala, naibalik na ang power supply sa tinatayang 3,500 households ngunit mahigit pa sa 200,000 residente ang wala namang supply ng tubig.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *