Mga nanalo sa local positions
Metro

Mga nanalo sa local positions, tuloy-tuloy ang pagproklama

TULOY-tuloy na ang isinasagawang pagproklama sa mga nanalo sa local positions sa katatapos lamang na midterm elections.

Sa Pasig City, naiproklama na bilang bagong alkalde si Vico Sotto.

Winakasan ni Sotto ang 27 na taong pamamayagpag sa lungsod ng Pamilya Eusebio matapos talunin nito si incumbent Mayor Robert “Bobby” Eusebio.

Wagi rin ang running mate ni Sotto na si dating Rep. Roman Romulo na may 221,779 votes.

Naiproklama na rin ang nanalong si Taguig Mayor Lino Cayetano, Vice Mayor Ricardo Cruz, Jr., at 2nd District Rep. Lani Cayetano.

Iprinoklama na rin ang mga mambabatas na nanalo sa una at ikalawang distrito sa Makati na sina Bayani Fernando at Stella Quimbo.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *